Monday, June 16, 2008

Depressing...

Magtatagalog ako in this one ha...

Nakakainis na kasi talaga eh, nakakasama ng loob. Minsan di ko na kaya, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gustong magbasag ng mga gamit. Basta kahit ano para mailabas ko galit ko. Ang hirap talaga para sakin ng nagtitimpi. Na tinatago, or sinu-suppressed ung emotions ko. Naiipon sa loob ng dibdib ko, eh payat ako (mejo) kaya para gusto ng sumabog.

Hay!!! Naaasar talaga ako...

Ang hirap ng sitwasyon na ikaw ang masisisi sa mga bagay na, although responsibility mo eh, wla ka namang control. OO, wala na halos akong kontrol sa takbo ng trabaho ko, sa area ng responsibilidad ko, sa mga taong nasasakupan ko. Lalong-lalo na yang mga taong yan. Di ko na sila kaya kontrolin. Wala na akong authority over them. If I want to stress my authority over them it will be me who will become stressful. Nakakasama ng loob kasi masisisi ka sa mga bagay na di mo napagawa on time, dahil ano? dahil di ka sinunod ng subordinate mo. So pano mo didisiplinahin yung taong yun? Ako, as much as possible ayaw ko na mangibabaw dito yung pagiging mainitin ng ulo ko. I tried, always, to be patient. Maging mahinahon sa mga bagay at pagkakataon na normally ay ikinagagalit ko at ikinatataas ng dugo ko which results to me being so loud, as in loud, sumisigaw on top of my voice. Malagong pa naman boses ko pag galit kaya nakakatakot din siguro. Ayoko nun eh. As much as possible I want to be professional and be civil to my subordinates. Tao rin naman yang mga yan eh.

Oo nga na pag nasa construction ka dapat medyo astig ka, siga, mataas ang boses, boss. Syempre ganun ka dapat umasta kasi superior ka eh. Pero I always try na makisama sa mga tao ko. Gusto kong ibahin ung norm. Gusto kong gawin nila ang mga bagay na inuutos ko dahil nagtitiwala sila sakin, nirirespeto nila ako, naiintindihan nila ang trabaho ko at trabahong pinagagawa ko sa kanila. Ayoko ng susundin nila ako dahil lamang sa takot. Although, I wish I could have both in them - fear and respect. Respect sa position ko at nalalaman ko, takot na baka mawalan sila ng trabaho. Hehehe!!! Di naman ako ganung klase ng tao na basta basta na lang magtatanggal, pero I wish I have the authority to do it para mangilag din naman sila kasi kung hindi malabo talaga na mapasunod mo sila. Mabuti pa yung mga nasa lowest ranks as in laborers and skilled workers show you some respect, follow your orders though not all of them kasi nga meron pa ring mga pasaway eh. Unlike ung mga supervisors nila na ayaw na talagang makinig sa amin. Kesyo mga bata pa kami. Bago lang kami sa construction at sila eh 20 yrs na dito or dito na halos nabuhay. The point is, yun na nga eh, kaya ka nandyan for that long kasi (hindi naman sa pangmamaliit) yun lang yung nalalaman mo. So in our part sana naman paniwalaan nyo kami kasi baka may mga bagay kaming nakikita na di nyo nakikita. May mga bagay kaming nalalaman na bago kung kaya't di nyo alam. At kung ipagpipilitan nyo ung nalalaman nyong dati pa mula sa kanunununuan nyo pa eh hindi na talaga kayo aangat kasi di kayo mag-iimprove.

Isa pang kinaiinis ko is ung Ratings nila. Yung ratings nila sa trabaho nila. Yun na nga lang yung pinanghahawakan mong alas para mapasunod sila eh mababaliwala pa. Mababaliwa dahil pag di nila gusto yung ratings na ibinigay mo sa kanila eh magrereklamo, worse mag-iinarte at sasabihing uuwi na sya...sana nga pinauwi na lang. Sana nga, kesa naman sa pagbibigyan at babaguhin yung rating para lang wag na umangal. Kun sa bagay ok lang naman yun, wala naman sakin yung rating kung babaguhin natin eh, pero my point is sana naman sinabihan di ako na babaguhin ung ratings. Medyo nawala tuloy yung authority ko dun sa tao. Ano ngayon, magmamalaki sya na di ko pala sya kaya or na pinapanigan sya ng mas nakakataas sakin. Ah ewan! Ang hirap na tuloy lalo ng kalagayan ko kasi lalong nawala yung kontrol ko sa tao pero ang malupit pa run is hahanapin pa rin sayo ung kontrol na un. Panu mo nga magagawa un kung masyado ng mayabang ung tao? Masyado ng malaki yung ulo. Wala na, malabo na.

Ano, sigawan ko? Murahin ko pag di ako sinunod or may maling ginawa? Isumbong ko sa boss ko? Una at pangalawang tanong, hindi ko gagawin ito as much as possible. Pero ginagawa ko rin naman minsan. Pero ano, walang epekto to panigurado lalo na sa kanya. Sa klase ng tao, ugali nya. Kausapin mo ng mahinahon, sa mababang tono ng boses at pinkamalumanay na paraan ng pananalita, eh ikaw pa itong tataasan ng boses. Iirap-irap pa sabay talikod habang nagsasalita pa rin ng kung anu-ano. Ni hindi nga to nakikinig eh. Siguro darating yung time na magkakasigawan talaga kami. Nakakatakot un. On my part natatakot ako sa sarili ko sa kung ano ang pwede kong mabitawang salita kasi baka di ko na mapigilan pag sumobra na ang topak ko eh. Pangalawa nakakatakot ung tao na yun kasi may history yan na muntik na nyang hatawin ng kahoy ung isa nyang engineer dahil sa namura rin sya. Eh gago pala sya eh, di naman siguro sya mamumura kung matino syang tao eh.

Konting tiis pa, malapit na matapos tong project. I'll keep my head up high. Mayabang, taas noo. Di ako papasindak sa gaya nya. One day susunod din sakin yan when I have all the powers that I need. if the day comes na wala pa rin epekto yung powers na un, its either the company fires him or anyone in his likeness or I'll resign. Of course I'll make it sure na I will be worth choosing. Baka naman ang yabang ko eh di naman asset ang tingin sayo ng company. Baka mas pinahahalagahan pa nila yung ganung klase ng tao kesa sau. Ah ewan. Matagal pa yun.

Balik tayo sa bagay na nakakadepress. Nakakadepress when you are being pushed. Challenge yun actually and it makes your adrenaline high so masaya dapat yung mood. Pero kapag ganun tao nga ang subordinate mo as mentioned above, mawawalan ka ng gana. madidepress ka kasi nga ganito: Di mo magawa ung bagay because of "Idiot" - lets call him "idiot". So mapapagalitan ka. Ngaun napagalitan ka, babawiin mo sana sa ratings yun para naman sumunod sya sau. Pero ano babaguhin ng boss mo yung ratings so wala di rin yun susunod sau. magiging malaki ulo ni idiot at pag inutusan mo uli di ka na talaga susundin kasi ang tingin nya sau "wala". Isang malaking wala. Susunod lang sya sa boss mo. So alam mo un, kaya naman isusumbong mo sana sa boss mo na di sumusunod sau si idiot. Sasabihin naman ng boss mo, "kontrolin mo yan, konrolin mo yan". Panu kaya un eh ikaw mismo nag-alis ng kontrol na un sakin. Tapos babalik tayo dun sa mapapagalitan ka, kesyo ganto, kesyo ganyan. Irarason mo na ang dahilan ay si idiot. Di naman nya pagagalitan o pagsasabihan. Di man lang nya kakausapin about bakit nagkaganun. Tapos ang mapapagalitan is ako. Ibabaling din nya ung sisi dun sa isa pang tao na mejo kamote pero mostly wala namang kasalanan sa pangyayari. Mejo kamote lang talaga kaya nagiging excape goat. Di ko maipagtanggol kasi mali rin un. Unfair nga lang ang mundo kasi ang kasalanan ng isa sa iba nasisisi - including me.

There will be a time na susundin din nila ako, and when that time comes, di ako babawi over what happened now, ako ay ako, kung ano na ako when that time comes yung ang action ko, either maging tyrant ako at pagsisigawan ko siya upang sumunod or I'll be calm as a wind only stronger in force kaya susunod ka hampas ng hangin ko or else you'll fly and say babye.

One day mangingilag din yang mga taong yan lalo ka na idiot. Sasabihin mo sa kanila ito "yan si engineer loko yan eh, yan ang nagbigay sakin ng rating B, malupit yan". Di ko babaguhin un. Anyway I rate accordingly...being just I guessed. Mejo hindi na nga fair kung tutuusin kasi pinagbigyan ko tong si idiot pero si kamote hindi. Kawawa naman.

No comments: