Monday, June 16, 2008

Friday the 13th ba ngayon?

Ang alam ko unang una Monday ngaun...13th nga nung friday pero wala namang nangyaring masama. Maybe it is the aftermath, maybe un ang masama. Kahapon isang tao ng subcon namin ang nalaglag sa bubong, around 10meters high more or less. To give you a better picture, 4 storeys. Tapos kanina naman may napako, nangingisay na raw, natetano ata. Ngayon naman 30 minutes na lang before mag-uwian eh may tao pang nalaglagan ng bakal sa ulo. May hard hat na un ha, pero nabasag daw pati hard hat. Eto nakita ko nga duguan ung ulo. Anak ng Jueteng naman oh.

Tapos ang malas ko pa. 5 na nga lang kaming engineer dito eh malas pa. Yung isang engineer may sakit na di mawari. Ang description, di raw makalakad at di raw makatayo. Sobrang sakit daw ng likod, matanda na kasi eh. Yun dinala sa ospital. Tapos yung buhos ko pa delay-delay kasi una dahil kay idiot tapos eto pa tinopak pa raw generator ng planta. Anak ka ng...ewan. Bottom line is, ako mapapagalitan. Kontrolado ko man ang sitwasyon o hindi, ako lagi na lang ako. Asar!

Umulan pa!!! Huhuhu...

1 comment:

Anonymous said...

Just pray. ;)